Dalawang panibagong Pinoy sa Singapore, positibo sa COVID 19

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang dalawa pang Pilipino sa Singapore na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang ikalawa at ikatlong kaso ng Pinoy na nagpositibo sa virus sa Singapore.

Ayon sa DFA , ang naturang mga Pinoy ay naka-confine na sa health facilities sa Singapore.


Patuloy naman na tinututukan ng Philippine Embassy ang kanilang mga pangangailangan.

Una nang nakakuha ng clean bill of health ang unang Pilipinong na-discharge matapos magpositibo sa COVID 19 sa Singapore.

Facebook Comments