Dalawang pasahero, arestado matapos ang bomb joke paglapag sa Bohol-Panglao International Airport

Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaking pasahero ng Cebu Pacific flight 5J617 paglapag sa Bohol-Panglao International Airport.

Ito ay matapos na gumawa ng bomb joke ang dalawang suspek pagdating sa nasabing paliparan.

Agad namang hinalughog ng mga awtoridad ang buong eroplano pero wala silang nakitang bomba.


Muli namang nagpaalala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa publiko na iwasang gumawa ng bomb jokes dahil ito ay serious offense na may katapat na parusang mahigit 5 taong pagkakabilanggo at multang hanggang ₱40,000.00.

Facebook Comments