Dalawang Pasahero, Sugatan Matapos Tagain ng Isang Lalaki!

74

Bayombong, Nueva Vizcaya- Sugatan ang dalawang pasahero matapos tagain ng isang lalaki sa loob mismo ng Bus kamakailan sa Brgy. Don Mariano Perez, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang mga biktima ay kininilalang sina Elvis Saturno, trentay sais anyos residente ng Buyun, Sta Teresita, Cagayan at si Nathaniel Butial, bente tres anyos at residente ng Ballocon, Reina Mercedes, Isabela habang ang suspek naman ay kinilalang si Roger Gayola, trentay nuwebe anyos at residente ng San Juan, Buguey, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Bayombong, nakasakay umano sa loob ng bus ang dalawang biktimang pasahero patungong Cagayan nang biglang maglabas ng itak mula sa kanyang bag ang suspek at tinaga sina Saturno at Butial.

Naawat naman ng ilang pasahero ang pananaga ng suspek at agad ding dinakip ng mga rumespondeng pulis.

Isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawang biktima para sa kanilang kaukulang lunas.

Nasa kustodiya na ng PNP Bayombong ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposiyon.

Facebook Comments