Dalawang pasaway na hukom sa Malabon City, kinastigo ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Pinatawan ng dalawang taong suspensiyon ng Korte Suprema si Judge Zaldy B. Docena Malabon City Regional Trial Court Brang RTC, Branch 170.

Ito ay dahil sa pagpapalabas ng search warrants na ginamit sa labas ng Malabon .

Sinabi ng Supreme Court na ang ginawa ni Judge Docena ay paglabag sa Rule 126 ng Rules of Court na nagtatakda na ng proper venue kung saan gagamitin ang search warrant.


Pinagmumulta naman ng P20,000 si Celso R. L. Magsino, Jr. ng Malabon RTC Branch 74 dahil sa pagpapairal ng sariling polisiya sa pagra-raffle ng mga karaniwang kaso.

Binalaan ng Kataas-taasang Hukuman ang dalawang huwes na mas mabigat na parusa ang ipapataw sa kanila kapag naulit ang pagkakamali.

Facebook Comments