Naghain ng Petition for Writ of Amparo sa Supreme Court ang dalawang miyembro ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) na nakabase sa Batangas.
Sa kanilang petisyon, binanggit nina UCCP Rev. Edwin Egar at dating Barangay Captain Ronald Ramos at UCCP member na nasa panganib daw ang kanilang buhay dahil sa anila’y surveillance ng ilang intelligence officer ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa Batangas.
Ayon kina Egar at Ramos, inaakusahan sila ng mga sundalo na namimigay sila ng tulong sa mga myembro ng New People’s Army (NPA).
Sa pamamagitan ng Writ of Amparo, binibigyan ng temporary protection ang mga petitioner at pinagbabawalan ang mga respondent na lumapit sa mga ito ng 1 kilometer radius.
Bukod dito, pinalalabas ang mga dokumento na may kaugnayan sa ginagawang surveillance laban sa grupo.