Dalawang pasyente naconfine sa CRMC dahil sa COVID -19 nakarekober na!

Nilinaw ni Cotabato City Health Officer Dr. Meyasser Patadon na nakalabas na ng pagamutan ang dalawang pasyente ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) na nagpositbo sa coronavirus desease 2019 o COVID-19 makaraang makarekober sa nasabing karamdaman.

Ayon kay Dr. Patadon, ang confirmed case # 1 ay 32 anyos na lalaki na transient resident ng Cotabato City,nakalabas ito ng pagamutan noon pang gabi ng huwebes habang ang confirmed case # 2 naman ay 68 yrs old na ginang at noong Sabado naman na-discharge mula sa pagamutan matapos na makarekober.

Subalit ang mga ito ay sasa-ilalim pa rin sa 14 na araw pang mandatory quarantine at pagkatapos at muli silang iti-test upang malaman kung tuloy-tuloy na ang kanilang paggaling.


Ang mga ito ay nasa stable condition at nasa istriktong quarantine sa magkahiwalay na lokasyon at matamang minomonitor ng health workers.

Ayon kay Dr. Patadon, ang paggaling ng naturang mga pasyente mula sa COVID-19 ay dahil sa maaga nilang pagpapakonsulta at sinunod din ng mga ito ang mga payo at bilin ng mga doktor at ng local health authorities.

Samantala , abala ngayon ang mahigit sa 200 health workers sa lungsod sa pag-monitor sa mga person under monitoring (PUM) at persons under investigation (PUI).
Ayon kay Cotabato City Health Officer Dr. Meyasser Patadon, as of March 25, nakapagtala sila ng 668 persons under monitoring (PUM), 209 sa mga ito ay natapos na ang 14 day mandatory home quarantine, habang ang 459 ay patuloy pang sumasailalim sa quarantine.

Sa naturang araw din ay nakapagtala ay abot sa 14 ang persons under investigation (PUI), apat sa mga ito ay naka-confine sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) habang ang 10 naman ay naka-uwi na sa kani-kanilang tahanan subalit mataman pa rin minomonitor ng health workers.
CRMC FB Pic

Facebook Comments