Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na mahaharap sa panibagong kaso ang dalawang Persons Under Investigation (PUIs) na inmates na tumakas sa Delpan quarantine facility.
Ayon kay Moreno, partikular na mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 11332 o An Act Providing Policies and Prescribing Procedures on Surveillance and Response to Notifiable Diseases, Epidemics, and Health Events of Public Health Concern.
Ito aniya ay may katapat na parusang P20,000 hanggang P50,000 o pagkabilanggo ng isa hanggang anim na buwan.
Kahapon, agad ding naaresto sina Ceasar Adriatico, 25-anyos residente ng Sta. Ana, Manila at Jerick Savallon, 19-anyos na residente naman ng San Andres, Manila.
Nahaharap na ngayong sa drug charges at child abuse ng mga ito habang isinailalim naman sa quarantine ang mga pulis na nag-aresto sa kanila.