Dalawang personal assistant ng Ako Bicol Party-list, itinanggi na nag-deliver sila ng limpak-limpak na salapi sa bahay nina Rep. Co at Romualdez.

Mariing itinanggi ng dalawang personal assistant ng Ako Bicol Party-list, na sina Mark Bunagan at Allan Colesio, na naghatid sila ng limpak-limpak na salapi sa bahay nina Representatives Zaldy Co at Ferdinand Martin Romualdez.

Ang nabanggit na pahayag ay laman ng kanilang magkahiwalay na sinumpaang salaysay bilang pagkontra sa ibinunyag ni Orly Guteza sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa maanumalyang flood control projects.

Ayon kina Bunagan at Colesio, sa buong panahon na sila ay magkakasama sa trabaho ni Guteza ay wala silang natatandaan, naririnig o nababasa ukol sa umano’y pagdadala ng male-maletang pera sa iba’t ibang lugar lalo na sa bahay nina Representatives Co at Romualdez.

Tiniyak naman nina Bunagan at Colesio na handa silang humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sakaling sila ay ipatawag para pabulaanan ang mga sinabi ni Guteza.

Facebook Comments