Dalawang pinaghihinalaang drug suspects, pinagbabaril patay sa Caloocan City

22
Manila, Philippines – Patay agad ang ang dalawang drug suspects matapos na pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa Lungsod ng Caloocaan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Fernando Aquino at Edwin Malait, mga kilabot umanong tulak ng ilegal droga.

Ayon kay Chief Inspector Ronald Cayago hepe ng Brgy. 176 PCP nasa loob ng tahanan ni Aquino ang mga biktima sa Phase 1 Package 2 Brgy 176 Bagong Silang nang paulanan ng bala ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek.

Tumakas ang mga naka-maskarang suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Apat na sachet naman ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalia ang natagpuan sa pinangyarihanng krimen.
Inaalam na ng pulisya ang motibo ng naturang pamamaril.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila, Silvestre Labay

Facebook Comments