Manila, Philippines – Arestado ang dalawangpinaghihinalaang tulak umano ng ilegal na droga sa 3 barangay sa Quezon Citymatapos ang ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad.
Kinilala ang mga suspek na sina Edward Gannaban 39-anyosat Moises Redoble 35-anyos.
Ayon kay P/Sr.Inspector Ramon Aquiatan ng QCPD Station 7 Drug Enforcement Team, nagsagawa silang buy bust operation laban sa dalawang suspek matapos mahuli ang dalawangbinabagsakan nito ng shabu sa Brgy. San Martin de Porres.
Gamit ang cellphone ng isa sa mga parokyano nila,kinontact sila ng mga pulis hanggang sa magkasundo sa halagang 500 piso ngshabu na ibebenta sa isang poseur buyer sa Zambales St.
Narekober ng mga pulis sa mga suspek ang buy bust money,isang pakete ng shabu at siyam pang bulto ng hinihinalang shabu na may streetvalue na 100-libong piso.
Napag-alaman na taga-Brgy. Pinagkaisahan ang mga suspekna tumatawid pa ng dalawang Barangay sa Cubao para magsuplay ng shabu.
Itinanggi ng naarestong si Redoble na nagtutulak sya ngshabu pero aminadong parehas silang gumagamit ng shabu.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 oComprehensive Dangeours Drugs Act of 2002.
Dalawang pinaghihinalaang pusher, arestado sa QC
Facebook Comments