DALAWANG PINOY, NAKASUNGKIT NG GOLD AND BRONZE MEDAL SA WORLD ARCHERY 2023

Pinatunayan ng dalawang Pinoy na sina Pia Elizabeth Bidaure at Jason Emmanuel Feliciano na hindi magpapatalo ang mga Pinoy sa larangan ng isports, matapos silang mag uwi ng medalya sa katatapos na 2023 World Archery Asia (WAA) Archery Challenge sa Wonju, South Korea.
Kasama si Mia Md Rakib ng Bangladesh, nakuha ni Pia ang unang puwesto sa Recurve Mixed Doubles, at ang bronze medal naman sa Recurve Women’s Team kasama sina Kanaya Arezi ng Indonesia at Cai Li ng Taipei.
Samantala si Feliciano naman ay teamed up kina Isa Saqer ng Bahrain at Reza Shabani ng Iran at matagumpay na nasungkit ang gintong Recurve Men’s Team!

Layunin ng 2023 WAA Archery Challenge & Joint Training na pahusayin ang performance ng ng mga Asian archer sa pamamagitan ng mga indoor/outdoor lessons at hayaan silang lumahok at maranasan ang international level competition.
Kaya naman, mula dito sa iFM Dagupan, isang pagbati sa mga atletang Pinoy. Mabuhay ang Pilipinas! |ifmnews
Facebook Comments