Patay ang dalawang Pinoy habang sugatan ang walong iba pa sa nangyaring massive explosion sa Beirut, Lebanon kaninang madaling araw.
Kabilang sila sa higit 70 nasawi at halos 4,000 nasugatan sa pagsabog.
Bukod dito, 11 Pinoy pa ang napaulat na nawawala matapos ang insidente.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa bahay ng kanilang mga employer ang mga Pinoy nang mangyari ang pagsabog.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Pilipinas sa Filipino community roon para malaman ang kalagayan ng lahat ng mga Pinoy sa Lebanon.
Tinitayang nasa 33,000 Pilipino ang nakatira at nagtatrabaho sa Lebanon kung saan 75% nito ay nasa Beirut.
Samantala, para sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong, maaari silang makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa mga numerong +961 3859430, +961 81334836, +961 71474416, +961 70681060 at +961 70858086 o mag-email sa beirutpe@gmail.com o sa kanilang Facebook page.