Dalawang Pinoy survivors ng nawawalang barko sa Japan, naka-ugnayan na ng kanilang pamilya

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Tokyo na nakausap na ng dalawang survivors na Filipino seafarers ang kanilang mga pamilya.

Ito ay matapos na ma-rescue ng Japanese Coast Guard ang naturang mga Pinoy na kabilang sa tripulante ng nawawalang Panamian-flagged vessel sa karagatan ng Japan.

Sa ngayon ay itinigil muna ng Japanese Coast Guard ang search and rescue operations sa nawawalang barko dahil sa paparating na bagyo o Typhoon 10 ngayong araw sa Japan.


Tiniyak naman ng Philippine Consulate General sa Osaka at ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) doon na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Japanese Coast Guard, gayundin sa may-ari ng barko at sa Manning Agency para matiyak ang pagbibigay ng tulong sa Filipino seafarers at sa kanilang mga pamilya.

Ang naturang barko ay may 43 mga tripulante kung saan 39 dito ay mga Pilipino.

Nakapagpadala pa ito ng distress call bago ito tuluyang nawala mula sa Amami Oshima Island sa Kagoshima Prefecture.

Facebook Comments