DALAWANG PINOY, TAGUMPAY SA WORLD SURF LEAGUE 2025

Pagdating sa sports hindi pahuhuli ang mga Pinoy sa boxing man yan, Basketball, tennis, swimming, Weightlifting at iba pa.

 

Ngayon, sa surfing naman nagpakita ng determinasyon at galing ang dalawang Pinoy na sumali at kabilang sa mga nagtagumpay sa 2025 International Men’s Longboard Tour na ginanap sa California, USA.

 

Nasungkit ng dalawang lokal mula San Juan, La Union na sina Rogelio “Jay R” Esquibal Jr. Ang ikatlong pwesto matapos makapagtala ng 6,085 points At si Jomarie Ebueza naman ay nasungkit ang ika-17 pwesto sa Lexus US open Surfing, World surf league.

 

Patunay ang kanilang tagumpay sa dedikasyon, husay na nagsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments