Dalawang Presidentiables At Apat Vice-Presidential Candidate, Maagang Bumoto Sa Kanilang Polling Precincts Para Sa 2016

11

MANILA – Maagang bumoto ang Presidential candidate na sina Sen. Miriam Defensor Santiago at Vice President Jejomar Binay.Kasama ni Binay na bumoto sa San Antonio High School sa Makati City ang kanyang anak na si Dating Makati Mayor Junjun Binay habang Sa La Vista Compound sa Katipunan naman bumoto si Sen. Santiago.bumoto rin si Vice-Presidentiable Chiz Escudero kasama ang asawang si Heart Evangelista sa Sorsogon; habang sa Nativity of Lady Parochial School sa Marikina naman bumoto si Senador Gringo Honasan; at kasama ni Senador Alan Peter Cayetano ang kanyang misis na si Taguig Mayor Lani Cayetano na bumoto sa Sta. Teresa Elementary School.Kasama namang bumoto ni Senador Bong Bong Marcos ang kanyang ina na si Imelda Marcos sa Batac, Ilocos Norte.Samantala, inaabangan pa ang pagboto nina Sen. Grace Poe sa San Juan habang si Liberal Party (LP) Bet Mar Roxas ay sa Roxas City Capiz.Nakatakda namang bumoto si Frontrunner Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School (DRANHS) sa naturang lungsod.

Facebook Comments