Dalawang pribadong paaralan ang hindi nakalahok sa face-to-face classes ngayong araw.
Ayon sa Department of Education (DepEd), kabilang sa hindi nakasali sa face-to-face classes ay ang Singapore School Clark sa Angeles at Xavier University Senior High School sa Cagayan.
Tinukoy na dahilan ng DepEd ang nabagong academic calendar ng naturang mga paaralan.
Ipinakita rin ng DepEd ang ilang larawan sa opening ng face-to-face classes kung saan makikita ang mga estudyante na may plastic barrier ang upuan.
Ipinakita rin nila ang mga larawan ng mga estudyante na dumaraan sa washing area, temperature checking at triage area upang masiguro ang kaligtasan.
Maliban sa mga estudyante, sinabi ng DepEd na lahat ng mga guro at kawani ng paaralan ay sumusunod sa health protocol.
Nabatid na 20 ang orihinal na target na pribadong paaralan na lalahok sana sa face-to-face classes.