Dalawang programa ng SMNI, sinusponde ng MTRCB

Sinuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa loob ng labing apat na araw ang dalawang programa ng Sonshije Media Network Incorporated (SMNI).

Ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio, kabilang sa sinuspinde ay ang “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” (From the Masses, For the Masses) at ang “Laban Kasama Ang Bayan,” na mga public affairs programs ng SMNI.

Ang Gikan sa Masa ay kung saan nagpo-programa si dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Dito nagmula ang umano’y pagbabanta na ginawa ni Duterte sa buhay ni ACT partylist Representative France Castro.

Facebook Comments