
CAUAYAN CITY – Inaprubahan na ng Regional Project Advisory Board 02, ang dalawang proposed I-BUILD subprojects sa lalawigan ng Isabela.
Ang proyektong ito ay ang rehabilitasyon ng Brgy. M.H. Del Pilar-Barangay Salvacion farm-to-market road sa bayan ng Alicia kung saan nagkakahalaga ito ng mahigit P200M.
Kabilang din dito ang rehabilitasyon ng Oscariz-Burgos-Purok ni Bulan-Pabil farm-to-market road sa Ramon, Isabela na nagkakahalaga naman ng mahigit P100M.
Sa board meeting na isinagawa, ipinahayag ni Alicia Mayor Atty. Joel Amos Alejandro at Engr. Rogelio Rotoni, Executive Assistant for Plans and Projects, kasama si Ms. Jessa Kassandra Ng na malaking tulong umano ito sa mga mamamayan lalo na sa mga magsasaka ang naturang proyekto sa kanilang nasasakupan.
Samantala, kumpiyansa naman si Director Rose Mary Aquino na magiging matagumpay ang naturang proyekto sa tulong at kooperasyon ng mga kawani ng mga nabanggit na lokal na pamahalaan.