Dalawang pugante, patay matapos manlaban sa mga pulis-Cavite

Cavite – Patay ang dalawang pugante ng Rosario police detention cell sa Cavite matapos na manlaban sa mga pulis.

Kinilala ang dalawa na sina Josefino Abad at Lyndon Bartolo.

Miyerkules, August 9, nang makatakas sina Abad at Bartolo kasama ang tatlong iba pa.


Ayon kay Cavite Provincial Director Sr/ Supt. Arthur Bisnar – nakatanggap sila ng impormasyon na namataan ang dalawa sa bahagi ng Barangay Muzon Dos sa Rosario, Cavite.

Nang puntahan ng mga pulis, bigla umano silang pinagbabaril ni Bartolo at hinagisan naman ng granada ni Abad.

Patuloy namang tinutugis ang tatlong pugante na sina Ryan James Villanueva, Frederick Legaspi at Danimar Cariño na pawang nakulong dahil sa droga.

Facebook Comments