Dalawang puganteng Korean national, arestado ng NBI

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) Pampanga District Office ang dalawang Korean national na sangkot sa illegal online gambling sa Pampanga.

Base sa impormasyong nakalap ng NBI mula sa INTERPOL, Korean Embassy at Korean National Police Agency ay napag-alaman na pugante sa bansang Korea ang dalawang Korean national at nagtungo rito sa bansa upang magtago at ipagpatuloy ang kanilang illegal operations.

Simula 2017 ay sangkot na ang dalawang Korean national sa voice scamming kung saan nagpapanggap ang mga ito bilang banker at aabot sa 840 thousand US dollar ang halaga ng kanilang nasamsam mula sa mga nabiktima sa Korea.


Nakatakda ang paglilitis ng dalawang Korean national sa Regional Trial Court ng Angeles City Pampanga, habang nasa kustodiya ng NBI Pampanga.

Facebook Comments