Dalawang pugot na ulo natagpuan sa Barira Maguindanao

Natagpuan na ang mga ulo ng dalawang magsasakang walang awang pinugutan ng mga di nakilalang mga armado byernes ng gabi sa bahagi ng Gadungan- Calawag Parang Maguindanao.

Natagpuan ang mga pugot na ulo ng mga biktimang magsasaka na kinilalang sina Ceasar Deamada Fermin, 42, at Jabon Bistas 21 anyos sa bahagi ng Sitio Camalig Brgy. Panggao Barira pasado alas dose kaninang tanghali sa impormasyong ipinarating sa DXMY ni Parang MPS COP Supt Ibrahim Jambiran.

Matatandaang sabado ng madaling araw na madiskubre ang mga bangkay na wala ng ulo malapit lamang sa pinagtatrabahuang copra dryer .


Aminado naman ang ilang residente na may namataan silang mga armado byernes ng gabi ngunit binalewala lamang ng mga ito.

Patuloy naman ang pagsigaw ng hustisya ng mga pamilya ng mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP

Facebook Comments