Dalawang pulis, ginawaran ng parangal ni PNP Chief Marbil

Personal na binisita ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil at National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Jose Melencio Nartatez sa ospital ang dalawang pulis na nasugatan sa gitna ng pagtugis sa armadong robbery suspek sa Las Piñas City kamakalawa.

Nabatid na nagtamo ng tama ng bala sina PMSg Avelino Lopez at PMSg Warren Bong Panton na pawang nakatalaga sa Tactical Motorcycle Riding Unit ng Las Piñas Police.

Napatay naman sa operasyon ang suspek na sinasabing pumasok at nagkanaw sa isang bahay at binugbog pa ang biktima.


Ginawaran ang dalawang pulis ng “Medalya ng Sugatang Magiting” at “Medalya ng Kagalingan.”

Una nang ipinag-utos ni General Marbil sa lahat ng regional, provincial at municipal police stations ang pagsasagawa ng pinaigting na foot patrols, Oplan Galugad, motorcycle patrols, at Oplan Sita.

Facebook Comments