Manila, Philippines – Posibleng ipadala sa Marawi ang dalawang pulis na nakuhanan ng video na namalo at nanuntok sa mga sibilyang inaresto ng mga ito dahil sa pag-iinuman sa kalsada.
Ayon kay PNP Spokesman C/ Supt. Dionardo Carlos – napasugod sa Mandaluyong Police Station si PNP Chief Ronald Dela Rosa matapos na mapanood ang video.
Nakatikim aniya ng sermon at mura mula kay PNP Chief ang dalawang pulis na sina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez.
Sinibak na rin sa pwesto ang dalawang pulis.
Facebook Comments