Dalawang pulis na nanggulo at nagpaputok ng baril sa isang bar sa Tayuman, sinibak na sa puwesto

Manila, Philippines – Sinibak na sa kanilang puwesto sa Special Weapon and Tactics ang dalawang pulis na nanggulo at nagpaputok ng baril sa isang bar sa Tayuman St. kanto ng Abad Santos Avenue sa Tondo, Maynila.

Pero ayon kay MPD spokesman Erwin Margarejo, sina SPO2 Ryan Marcelo at PO1 Ramadas Mucas ay agad ni-reassign sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit o RPHAU sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Agad din silang ni-reassign sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit o RPHAU sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.


Sila ay nahaharap sa mga kasong physical injury, indiscriminate firing at alarm and scandal.

Sinabi ni Margarejo na kinakailangan na dumaan sa due process ang mga pulis bago sila tanggalin sa tungkulin.

Nauna rito , nag ala rambo ang ang pulis ba si SPO2 Ryan Marcelo sa Butch Videoke Bar matapod na magpakalasing.

Nagpaputok ng baril sa sahig si Marcelo matapos kawayan at batiin ng dalawang lalaki na nag-iinuman din sa loob ng bar.

Tumagal ng mahigit sa dalawang oras ang pakikipag-negosasyon ng SWAT kay Marcelo kung saan kinailangan pang gumamit ng tracer gun para sumuko ang naturang pulis.

Facebook Comments