Dalawang pulis sa EPD na nagpositibo sa drug test, pinasisibak na sa serbisyo

1754

Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas na sibakin ang dalawang tauhan ng Eastern Police District na nagpositibo sa drug test.

Ito ay kinilalang sina Patrolman Arnel Agustin ng District Human Resource and Doctrine Development Office; at Police Corporal Regie Alilano na beat patroller sa Pasig Police sub-Station.


Ayon kay Sinas, hindi titigil ang PNP sa paglilinis sa kanilang hanay hanggang sa matiyak na drug-free ito.

Muli niyang binilinan ang mga unit commander sa kanilang accountability o pananagutan sa kanilang mga tauhan.

Matatandaang sina Agustin at Aliano ay nagpositibo sa random drug test nitong January 13, 2021.

Sila ay dinis-armahan na at nasa restrictive custody na.




Sa ngayon, sumasailalim na rin sila sa pre-charge investigation at summary dismissal proceedings.

Facebook Comments