Dalawang Pumpboat nagsalpukan, isa patay

Dinas, Zamboanga del sur—-Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isang binatilyo matapos sumalpok sa kasalubong na bangka ang minamaneho nitong pumpboat sa Binuatan River sa bayan ng Dinas, Zambonga del Sur kahapon ng umaga.
Isa ang nasawi sa banggaan na kinilalang si Sauda Haron, 30 anyos, nakatira sa Purok Pasayan,Brgy. Binuatan, Dinas sa nasabing lalawigan.
Naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga kung saan parehong nasa ilog ang dalawang pumpboat nang makabangga dahil nagmamadali umano ang binatilyo at di namalayaan na kasalubong na pala ang sinasakyang pumpboat ng biktima. Sa Panayam ng RMN-DXPR sa drayber ng pumpboat na si Anton na di-umanoy nabagok ang ulo ng biktima sa isang pumpboart kaya ito nawalan ng malay at nahulog sa tubig na siyang dahilan ng kanyang pagkalunod.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit dead on arrival na nang dumating sa ospital. Sa ngayon nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang inaasahan na makalabas na ito dahil may kasundoan ang dalawang panig sa pangyayari. (Kenneth Alvin Bustamante/Mel Coronel/DXPR News Team)

Facebook Comments