Dalawang Pusher, Huli sa Buy – Bust!

144

Santiago City, Isabela- Arestado ang dalawang tulak ng droga sa isinagawang buy bust operation kaninang ngayong araw, Enero 25, 2018 sa Four Lanes, Malvar, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang isang suspek na si Evelyn Fermanes, 48 anyos, walang asawa at residente ng Quirino San Dionisio, Paraṅaque City.

Batay sa ibinahaging impormasyon ni Police Chief Inspector Rolando Gatan ng PNP Station 1 Santiago City, nahuli ang suspek sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib pwersang PDEA RO2, SCPO at Police Station 1.


Ayon kay PCI Gatan, binentahan umano ng suspek ng isang heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ang isang kinatawan ng PDEA dahilan upang siya’y arestuhin.

Narekober pa mula sa suspek ang isang libong pisong buy bust money.

Samantala, nakuha rin ang isang heat sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu sa isa pang pusher na si Samuel Tobias, 36 anyos, isang mekaniko at residente ng Dipantan, Nagtipunan, Quirino sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 1 ng lungsod.



Inihahanda na ng PDEA RO2 ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek.

Facebook Comments