Nakatanggap na umano ng reklamo ukol sa vote buying ang COMELEC Region 1, ilang linggo bago sumapit ang halalan.
Diumano, dalawang lokal na kandidato sa rehiyon ang tinukoy at inireklamo. Ang isa, incumbent official na umano’y bumibili ng boto samantalang ang isa naman ay lumabag sa abuse of state resources matapos mamataan sa pamamahagi ng ayuda.
Ayon kay COMELEC Region 1 Director Atty. Reddy Balarbar sa isang panayam, inievaluate na umano nila ang affidavit ukol sa kaso at kasalukuyan hinihintay ang ebidensya at sworn statement.
Hinikayat ng ahensya ang publiko na magsumbong kung makasaksi ng vote buying kalakip ng ebidensyang magpapatunay rito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









