Kinumpirma ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ng Quezon City na nagpositibo ang dalawang residente ng Brgy. Holy Spirit na nagtungo sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin.
Itoy matapos lumabas sa pagsusuri ng RT-PCR na ginawa noong April 28 kung saan ang mga pasyente ay isang 42 year-old at isang 43 year-old na kapwa babae.
Sinabi ni CESU Chief Dr. Rolando Cruz, isa pang 11 year old na anak ng isa sa mga nagpositibo ang nahawaan na rin ng virus matapos itong sumailalim sa swab test kung saan nakitaan na ng mga sintomas.
Ani ni Cruz, ang mga nagpositibo ay agad dinala sa isolation facilities para sa patuloy na monitoring
Agad ding magsasagawa ng contact tracing ang CESU sa iba pang myembro ng pamilya na unang nagpositibo sa swab test.
Hanggang kahapon, April 29, nakapagsagawa na ang CESU ng swab testing sa 62 indibidwal na nagtungo rin sa birthday community pantry ng aktres at kasalukuyang hinihintay na lamang ang resulta ng kanilang RT-PCR.
Nananawagan pa rin ang health department ng lungsod ng Quezon sa iba pang nagtungo sa community pantry ng aktres sa Brgy. Holy Spirit na boluntaryong magtungo sa CESU para sumailalim sa swab test.