DALAWANG RIDER NA NAGPAPUTOK NG BARIL SA URDANETA CITY, PINAGHAHANAP

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang matunton ang dalawang rider na sangkot sa illegal discharge of firearm sa Urdaneta City, Pangasinan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay UCPS Officer-in-Charge PLtCol. Reynante Pitpitan, naganap ang insidente bandang alas onse y medya ng umaga noong September 7, sa pagitan ng dalawang motor matapos ang hindi malubhang salpukan ng mga ito.

Agad naman tumayo at nagpatakbo ang mga rider ngunit binuntutan at hinarang umano ng isang motor ang biktima na naglabas ng armas bago bantaan ang biktima na bayaran ang danyos sa nasira umanong motor.

Apat na beses din nagpaputok sa ere ang isa sa mga suspek at tinangay ang bag ng biktima bago tuluyang umalis.

Narekober sa krime scene ang basyo ng bala mula sa insidente.

Tiniyak ng opisyal na aalamin kung lehitimong gun owner at may kaukulang papeles ang mga suspek sa ginamit na baril sakaling matunton at makilala ang mga ito.

Hinimok nito ang publiko na ipaalam sa awtoridad ang anumang impormasyon sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments