Dalawang Kalalakihan sa Cagayan, Timbog sa Magkahiwalay na Operasyon ng Kapulisan!

Tuguegarao City, Cagayan- Nadakip ang dalawang kalalakihang may magkaibang kaso sa Cagayan dakong alas otso ng umaga kahapon, June 9, 2018.

Sa ibinahaging impormsyon ng Cagayan Police Provincial Office sa RMN Cauayan, Unang naglunsad ng operasyon ang pinagsanib pwersa ng CIDG PFU Cagayan, Tayug Police Station, Pangasinan PPO, Gattaran Police Station, Regoinal Inteligence Division PRO2 dahilan upang madakip ang Top 2 most wanted person na si Mervin Verbo, 45 anyos, may asawa, karpentero at kasalukuyan namang naninirahan sa Brgy. Libertad, Tayug Panggasinan.

Samantala, nadakip si Verbo sa kasong Robbery with Multi Homicide sa bisa ng ipinalabas na mandamyento de aresto ni hukom Conrado Tabaco ng RTC brach 8 Aparri Cagayan kung saan ay hindi ito makakapaglagak ng kaukulang pyansa.


Kaugnay nito, arestado din si Jay Radam, 29 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Maddalero Buguey Cagayan sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunation Regulation Act sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas din ni hukom Conrado Tabaco.

Sa operasyon ng kapulisan ay narekober pa mula sa kanyang pag-iingat ang isang Caliber 45 pistol, 12 piraso ng bala ng caliber 45, isang 12-gauge shotgun, M2 Carbine Riffle, tatlong magazine ng Caliber 45, 7 piraso ng bala ng shotgun, 16 piraso nab ala ng Carbine Riffle, isang magazine ng M2 Carbine Riffle at dalawang gun holster.

Agad namang dinala ang dalawang nadakip sa kustodiya ng kapulisan para sa kanyang kaukulang parusan habang patuloy namang nananawagan si PNP Regional Director Jose Mario Espino na suportahan umano ang kapulisan kanilang ginagawang kampanya upang masugpo ang kriminalidad at mahuli ang mga kaylangang mapanagot sa batas at nangako pang lalo pa umano nilang pagtatalagahan ang kanilang tungkuling bantayan ang ating rehiyon at masupil ang kriminalidad.

Facebook Comments