DALAWANG SAKAY NG TRICYCLE, SUGATAN SA HIT-AND-RUN SA BASISTA

Dalawang katao ang nasugatan matapos ma-hit and run sa Basista, Pangasinan.

Batay sa paunang imbestigasyon, nabangga sa likod ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima ng hindi pa natutukoy na sasakyan.

Dahil sa pagkakabangga, nawalan ng kontrol ang drayber ng tricycle at tumilapon sa kalsada kasama ang kanyang pasahero na kapwa nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Agad naman naisugod sa ospital ang mga biktima.

Samantala, tumakas ang driver ng isa pang sangkot na sasakyan at tinakbuhan ang mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sasakyang sangkot sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments