Kasabay ng pagsalubong ng Bagong-Taon, isinilang ang dalawang malusog na batang babae sa Doctor Jose Fabella Memorial Hospital sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa ulat, saktong alas-12:00 ng hatinggabi ng ipanganak ni Mommy Mellany Soriano ang baby girl na si Natalie Merey.
Sinabi ni Mommy Soriano napawi ang kaniyang paghihirap sa panganganak ng kaniyang masilayan si Baby Natalie.
Habang, dalawang minuto lang ang pagitan ng isilang ni Mommy Jennilyn Musca si
Baby Ashley.
Ayon kay Mommy Musca, hindi naman inaasahan ang paglabas ni Baby Ashley dahil sa January 10 pa ang kaniyang due date.
Batay sa talaan ng Fabella Hospital, ang nasabing bilang ay mas mababa ngayong
New Year Baby 2023 kumpara sa mga nakalipas na taon.
Facebook Comments