
Nakumpiska ng Land Transportation Office – National Capital Region (LTO-NCR) ang dalawang sasakyan matapos makitaan ng iba’t ibang paglabag sa batas-trapiko.
Una nang nasabat ng law enforcers ng LTO-NCR ang isang Blue Aito M9 sa paligid ng isang kilalang hotel sa Parañaque City matapos parahin ng awtoridad dahil sa hindi nakakabit nitong plaka sa harap at hindi rin ito rehistrado.
Nang hanapan ng dokumento ang driver, wala itong maipakitang Official Reciept o Certificate of Registration bagkus ay nagpakita lang ito ng Delivery Reciept na may petsang June 5, 2025.
Samantala, isang Toyota Land Cruiser naman ang nasita ng awtoridad sa bahagi ng J.W. Diokno Boulevard, Tambo, sa parehong lungsod dahil sa nakakabit na blinker sa sasakyan malinaw na nilabag ng driver ang Presidential Decree No. 96.
Dahil dito, nag-isyu ang ahensya ng Temporary Operator’s Permit (TOP) sa dalawang driver kung saan nagsasaad sa mga nilabag ng mga ito.
Dagdag pa rito, kinumpiska din ng LTO ang kanilang mga lisensya habang mananatili naman sa kanilang ang mga nakumpiskang sasakyan hanggang sa mabayaran na ang mga kaukulang multa at kinakailangang dokumento.









