MANILA – Stable na ang kondisyon ng dalawang Saudi attache na binaril matapos ang speaking engagement nito sa Western Mindanao State University.Ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco, nagpapagaling na sina Saudi Islamic Scholar Dr. A’id Al-Qarni at Embassy Attache Sheik Turki Assaegh sa Zamboanga Peninsula Hospital.Sinabi ni Climaco na go signal na lamang ng mga doktor ang inaantay ngayon kung pwede ng i-airlift patungong Maynila ang dalawang Saudi attaché.Kasabay nito, dadating na sa bansa anumang araw ang eroplanong susundo sa dalawa.Nabatid na ang Saudi authorities mismo ang nagpadala ng eroplano sa bansa na sasakyan ng cleric pabalik sa kingdom.Si Al-Qarni na kilalang international Muslim lecturer ay pumunta sa Zamboanga City para sa isinagawang islamic symposium na dinaluhan ng libu-libong mga Muslim na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.Kasama ni Al-Qarni Si Sheikh Turki Assaegh, isang religious attaché ng Royal Embassy ng Saudi Arabia.Sa interview ng RMN kay National Ulama Conference of the Philippines Secretary-General Professor Ali Ayub, sinabi niyang posibleng pananabotahe ang motibo sa pamamaril sa dalawa.Pero sa interview naman kay Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose, sinabi niyang umaasa siya na agad na mareresolba ng mga otoridad ang imbestigasyon sa insidente.Una nang bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mabilis na pagresolba sa insidente.
Dalawang Saudi Diplomat Na Binaril Sa Zamboanga City, Stable Na Ang Kondisyon
Facebook Comments