Dalawang scholar ng RMN Networks, RMN Foundation, Inc. at Dualtech Training Center Foundation, Inc., nakatanggap ng phone tablets

Natanggap na ng unang dalawang scholar ng RMN Networks, RMN Foundation, Inc. at Dualtech Training Center Foundation, Inc. ang kanilang phone tablet na kanilang magagamit sa kanilang pag-aral.

Kasunod ito ng pagselyo ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng RMN Networks, RMN Foundation, Inc. at Dualtech Training Center Foundation, Inc. sa pagbibigay ng scholarsip sa ilang mga kabataan.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Ms. Erika Canoy-Sanchez, Executive Vice President at Chief Operating Officer ng Marketing and Media Ventures ng RMN Networks na layon ng Henry R. Canoy Scholarship Program na tulungan ang mga kabataan na gustong tuparin ang kanilang mga pangarap.


Ayon naman kay Engr. Jerry Webb Muhi, Executive Director ng Dualtech Training Center Foundation, Inc., pitong kwalipikadong kabataan ang kanilang pipillin sa ilalim ng “Henry R. Canoy Scholarship Program.”

Dito ay hahasain ang kanilang skill sa electornic, mechanical at electrical.

Nito lamang Marso nang ilunsad ng RMN Networks at RMN Foundation, Inc. ang Henry R. Canoy Scholarship Program sa pamamagitan ng Radyo Edukasyon Program.

Bahagi rin ito ng paghahanda sa ika-70 anibersaryo ng RMN Networks sa Agosto 28 at ika-10 taon ng pagbibigay serbisyo publiko ng RMN Foundation, Inc.

Sa mga nais maging scholar at makapag-enrol, magparehistro lamang sa dualtech.org.ph at sa mga nais namang tumulong, mag-message lamang sa RMN Foundation Facebook Page.

Facebook Comments