Dalawang security guards na nambugbog ng pulis sa Taguig, na-inquest na

83

Manila, Philippines – Naisailalim na sa inquestproceedings ang dalawang security guards na nambugbog ng pulis kahapon sa eastservice road, Western Bicutan Taguig City.
  Base sa CCTV footage na kuha ng TESDA, pina-aayos ngsecurity guard na si Salvador Gregorio ang pagkakaparada ng sasakyan ni PO3 LorenzoCatarata ng Manila Police District.
  Gayunman, dahil sa may mga nakaharang na sasakyan, hindiagad nai-alis ni PO3 Catarata ang kanyang sasakyan.
  Dahil dito, nagalit si Gregorio at nagkaroon sila ngpagtatalo ng pulis na nauwi sa pambubugbog ng security guard sa police officer.
  Isa pang security guard na si Marjun A. Gallenero angtumulong sa pambubugbog kay PO3 Catarata.
  Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong physical injury atgrave threat.
 

Facebook Comments