Hindi sang-ayon sina Senate President Tito Sotto III at Senator Imee Marcos na muling ipagpaliban ang barangay election na nakatakda sa Disyembre.
Para kay Sotto, dapat itigil na ang paulit-ulit na pagpapaliban ng barangay election dahil nagiging mas mahaba pa ang termino ng mga barangay officials kaysa sa pangulo ng bansa.
Sa tingin ni Sotto, mainam din na tanungin si President-elect Bongbong Marcos ukol sa panukala na muling ipagpaliban ang barangay election.
Naniniwala naman si Senator Imee Marcos na mabuting ituloy na ang nakatakdang barangay eleksyon ngayong bago na rin ang uupong pangulo ng bansa.
Ayon kay Marcos, ito ay para magkaroon din ng bagong hatol ang mamamayan sa mga nasa ibaba at magkaroon naman ng suporta ang bagong administrasyon sa mga bagong barangay officials.