
Dalawang indibidwal na kapwa 71 taong gulang ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Dagupan City noong Enero 10, 2026, kaugnay ng kasong Falsification of Public Documents.
Unang naaresto sa bisa ng warrant of arrest, ang isang lalaking arkitektong supervisor, para sa kasong pamemeke ng pampublikong dokumento, na may inirekomendang piyansang ₱36,000.
Samantala, hapon ng parehong araw, muling nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 71-anyos na babae, na residente rin ng Dagupan City at nahaharap sa kaparehong kaso ng Falsification of Public Documents, na may inirekomendang piyansang ₱36,000.
Ayon sa pulisya, ang dalawang naaresto ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Dagupan City Police Office habang isinasagawa ang mga kinakailangang proseso kaugnay ng kanilang mga kaso.
Binigyang-diin ng mga awtoridad na ang serye ng pag-aresto ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagpapatupad ng batas laban sa mga indibidwal na may nakabinbing warrant, at muling iginiit ang paninindigan ng kapulisan laban sa pamemeke ng mga dokumentong may legal na bisa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









