DALAWANG SOLAR PLANTS SA BAYAN NG SAN MANUEL, TULOY-TULOY NA ANG KONSTRUKSYON

Tuloy-tuloy na ang konstruksyon ng ipinapatayong dalawang solar power plants sa bayan ng San Manuel.
Sinabi ng alkalde ng bayan ng San Manuel na si Mayor Kenneth Marco Perez na ongoing na ang isinasagawang pagpapatayo sa nasabing solar power plants kung saan ang mga ito ay pagmamay-ari ng kumpanyang Ayala Corporations at ang isa naman ay pagmamay-ari na kumpanyang Aboitiz Power.
Ayon pa sa kanya, nag-umpisa na sa konstruksyon ang pagmamay-ari ng Ayala Corporation dalawang buwan na ang nakakalipas.
Dagdag pa nito, nakapag-secure na ng lupa ang AboitizPower sa Department of Environment and Natural Resources.
Aniya pa, public lang inapplyan nilang solar plants kung saan sa buwan ng Hulyo ang nakatakdang pag-uumpisa nito dahil inaayos na lang ang dokumento mula sa national government.
Sinabi pa ng opisyal, marami umanong nagpapakita ng kagustuhan maghanap ng lupa at magtayo ng parehong solar power.
Umaasa naman ang alkalde na mababawasan ang singil ng kuryente dahil sa mga ipinapatayong solar plants sa bayan.
Bukod sa makukuhang murang halaga ng kuryente ay sinuguro ng mga kompanya na 50% ng mga trabaho na tatao sa mga ito ay pawang mga residente ng bayan para sa kanilang paghahanap buhay.
Facebook Comments