Naaresto ng Mangatarem Municipal Police Station ang dalawang street-level drug personalities sa isinagawang buy-bust operation noong Nobyembre 24, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng hinihinalang shabu.
Ang mga suspek, 49 at 36-anyos, kapwa may asawa, may trabaho, at residente ng Mangatarem, ay parehong nakalista bilang street-level individuals sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Narekober mula sa mga ito ang 1.1 gramo ng hinihinalang shabu, na nakapaloob sa apat na heat-sealed plastic sachets at tinatayang may street value na ₱68,000, kasama ang iba pang ebidensya.
Isinagawa on-site ang imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya sa presensya ng mandatory witnesses at ng mga suspek, alinsunod sa itinakdang proseso ng batas.
Dinala na ang dalawa sa Mangatarem MPS para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.









