
Naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang street-level drug personalities sa isinagawang buy-bust operation sa Dagupan City.
Ang dalawang suspek ay kapwa residente ng Barangay Calmay sa nasabing lungsod. Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa kanila ang ilang ebidensya kabilang ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 1.2 gramo na may tinatayang halaga na ₱8,160, at isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 0.1 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱680.
Bukod sa ilegal na droga, narekober din ang iba pang ebidensya.
Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek sa custodial facility ng DCPO habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










