Dalawang sundalo, nasawi matapos tamaan ng kidlat sa gitna ng operasyon sa Kalinga

Dalawang sundalo ang nasawi matapos tamaan ng kidlat habang isinasagawa ang kanilang military operation sa kabundukan ng Western Uma, Lubuagan at Balatoc sa bayan ng Pasil, Kalinga.

Ayon sa ulat ng 5th Infantry Division, Philippine Army, kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Andrew Five Monterubio at Private First Class Inmongog Aronchay.

Mayroon ding apat na sundalo ang sugatan sa naturang insidente at ang mga ito ay sina Sgt. Dennis Bananao, PFC Melvin Danggalan , PFC Abegil Awingan at PFC Riel Angya.


Nitong linggo nang makaranas umano ng masamang panahon ang probinsya na hindi naging hadlang sa pagpapatuloy ng naturang operasyon, ngunit sa kasamaang palad ay nauwi sa trahedya matapos tamaan ng kidlat ang mga sundalo na ikinasawi nina Monterubio at Aronchay.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si 5ID Commander MGen. Audrey Pasia sa pamilya ng 2 nasawing sundalo; habang naibaba na mula sa bundok ang mga labi upang dalhin sa kani-kanilang lugar.

Facebook Comments