Dalawang sundalo,patay habang anim ang sugatan sa engkwentro sa pagitan ng militar at NPA sa Davao

Davao City, Philippines – Patay ang dalawang sundalo habang anim na iba pa ang sugatan nang makasagupa ang ilang miyembro ng New People’s Army sa Davao City.

Una rito, isang ulat ang natanggap ng Eastern Mindanao Command na may namataang mga armadong lalaki sa Sitio Bajada, Paquibato District.

Pero nang rumesponde, pinaputukan ng rebeldeng grupo ang mga sundalo kaya napilitan ang mga itong lumaban.


Narekober sa lugar ang isang m653 colt rifle na may dalawang magazine, dalawang dungle bags, electric wire, at iba pa.

Hindi naman pinangalanan ng otoridad ang mga nasawing sundalo dahil ipaaalam pa ito sa kanilang mga pamilya.
DZXL558

Facebook Comments