
Dalawang suspek ang arestado ng Philippine National Police (PNP) sa magkakahiwalay na operasyon noong Martes, Enero 20, sa Urdaneta City at San Carlos City, Pangasinan.
Sa Urdaneta City, isang 28-anyos na lalaking residente ng lungsod ang inaresto bandang alas-11 ng umaga.
Arestado ang suspect sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Attempted Homicide ng Urdaneta City Police Station. ₱36,000 ang itinakdang piyansa para sa bawat kaso ng suspek na kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya.
Samantala, matapos ang isang oras, arestado rin ang isang 45-anyos na lalaking residente ng San Carlos City. Isinagawa ang operasyon sa bisa ng bench warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o Bouncing Checks Law na may rekomendadong piyansa na ₱3,000 para sa bawat kaso. Ang akusado ay nasa kustodiya na ng San Carlos City Police Station.
Ayon sa pulisya, ang mga pag-arestong ito ay bahagi ng patuloy na kampanya laban sa mga kriminalidad sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










