Dalawang suspek na nagtangkang mangholdap sa isang convenience store sa Quezon City, nakorner sa Maynila

Hawak na ng mga pulis sa Maynila ang dalawang lalaki na nagtangkang manloob sa isang convenience store sa Gilmore Street, Quezon City kaninang umaga.

Natunton ng Manila Police District (MPD) ang dalawang sugatang suspek habang nagpapagamot sa Tondo General Hospital.

Ang isa sa mga suspek na si Rolando Rontos na may tama ng bala sa hita ay dinala na sa Quezon City Police District (QCPD) – Station 7.


Bantay-sarado naman ng MPD at QCPD ang isa pang suspek na si Jomar Salonga na isinasailalim sa operasyon dahil sa tama ng bala sa likod.

Ayon kay MPD Station 1 Chief Lt. Col. Cenon Vargas, nagsagawa sila ng follow-up operation sa mga ospital matapos na itimbre sa kanila ng NCRPO ang 2 suspek na nakatakas sa tangkang panghoholdap sa Quezon City.

Facebook Comments