Timbog ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na operasyon laban sa ilegal na droga sa Mangatarem at Rosales, Pangasinan.
Sa Mangatarem, huli ang isang 52-anyos na lalaking residente ng bayan sa isinagawang buy-bust operation noong Martes, Enero 13.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 0.7 gramo, at tinatayang nagkakahalaga ng ₱4,760.
Bukod dito, nasamsam din ang perang ginamit bilang buy-bust money.
Samantala, arestado rin sa bisa ng warrant of arrest ang isang 35 anyos na construction workers, na tinukoy bilang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level at Top 6 naman sa Provincial Level, sa bayan ng Rosales.
Nasa ₱200,000 ang itinakdang piyansa para sa nakabinbing kaso na may kinalaman sa ilegal na droga.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga himpilan para sa tamang proseso habang inihahanda ang paggulong ng kani-kanilang kinakaharap na kaso.
Ang operasyon ay bahagi ng patuloy na pagsuyod ng kapulisan sa mga indibidwal na may nakabinbing pananagutan sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










