Himas rehas ang abot ng dalawang suspek sa iligal na droga matapos na masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Aringay, La Union.
Kinilala ang mga suspek na residente ng Dagupan City at itinuturing bilang mga street-level individual pagdating sa kalakalan ng iligal na droga.
Nakumpiska rin sa mga ito ang labing limang gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na nasa 102,000 pesos kabilang ang iba pang ebidensya.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang mga nasabing suspek. | ifmnewsdagupan
Facebook Comments









