Dalawang team na tutulong sa pagrescue ng mga apektado ng Bagyong Maring sa hilagang Luzon, binuo ni VP Leni Robredo

Bumuo na ng dalawang team si Vice President Leni Robredo para tumulong sa mga residenteng apektado ng Bagyong Maring sa Luzon.

Ayon kay Robredo, hahatiin ito sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela habang ang isang grupo naman ay nakatoka sa Benguet at La-Union.

Sa ngayon, nakatanggap na aniya sila ng mga ulat na nagsasagawa na ng rescue operations ang mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa mga na-trap sa mga kabahayan sa Ilocos Sur.


Kagabi ay naglandfall na sa bahagi ng Fuga Island sa Cagayan ang bagyo at siyam na lugar pa ang nakasailalim sa signal no. 2.

Facebook Comments