Dalawang Testigo, Idiniin Ang Pagkakasangkot Ni Sen. Leila De Lima Sa Drug Trade Ng Nbp

5

MANILA – Unang sumalang bilang testigo ang convict na si Noel Martinez na konektado sa sinasabing pinakamalaking drug lord sa New Bilibid Prison (NBP) na si Jaybee Sebastian.Ayon kay Martinez, 2013 nang kausapin siya ni Sebastian at ipinakilala sila kay Senadora Leila De Lima.Ipinaliwanag din ni Martinez na ang salita ni Sebastian ay makapangyarihan sa bilibid at sinumang hindi susunod dito ay posibleng mamatay o mataniman ng droga.Sumunod namang humarap ang convict na Jaime Patcho na sinasabing commander ng grupong ‘Batman’ sa NBP.Inamin ni Patcho na Enero 2015 nang ipatawag siya ni Sebastian at kinausap niya ako tungkol sa droga pero hindi siya ipinakilala kay de Lima.Sinabi ni Patcho na kaya siya tumestigo ay bilang suporta kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa sa kampanya nito kontra sa iligal na droga.

Facebook Comments